Google

Saturday, July 14, 2007

Ano ba, ha?


Ba’t ba ganun ang buhay ng tao?

Minsan di maiwasang masiraan ng ulo

Nakakabaliw talaga ang buhay

Minsan, isip ko na ito’y wala ng saysay


Ano ba dapat gawin ng tao

Para tayo ay makuntento?

Ba’t ba ang hirap hirap maging masaya?

Ang isip ko sana’y bigyan na ng laya


Ano ba dapat kong gawin

Sa buhay ko’ng parang nabibitin?

Parang… di ko na kasi kaya

Mga anghel sa akin ngayon ay nagaanyaya


Ba’t ba nandito na naman ako

Sa lugar na kinakatakutan ko

Hindi na ba ako palalayain ha

Magdurusa na lang ba sa tuwina?


Please naman o ayoko na

Sana naman maintindihan nyo na

Gusto ko naman maging masaya

Kahit minsan lang, sige na.

No comments: